Monday, December 14, 2009

Bakit? - December 15, 2009

Bakit?

Bakit may mga taong walang magawa sa buhay kundi ang makialam sa buhay ng may buhay?

Bakit may mga tao na mga a**holes na hindi naman ikaw ang may kasalanan e ikaw ang pinagbubuntunan ng galit?

Bakit may mga tao na makikitid ang utak?

Bakit may mga tao na "pinagpapala" sa buhay gayong sila tong mga masasama?

Bakit kung sino pa yung mga magaganda on the "outside", pangit naman "inside"? At kung sino pa yung pangit "outside", sila pa yung maganda "inside"? Hindi ba pwede maganda inside and outside, tapos pangit inside and outside?

Bakit daig ng maagap ang masipag, kung tamad ang maagap at mabilis naman makatapos ang masipag?

Bakit kung sino pa yung mga "ungas", sila pa yung matataas ang position sa gobyerno man o trabaho?

Bakit may mga katanungan na mahirap hanapan ng kasagutan?

Buhay nga naman...Parang life...

"Life is really like a box of chocolates.. You'll never know what you gonna get." :)

Isa na namang magulong blog entry.. :)