Wednesday, March 3, 2010

Martyr Nyebera

- Napahiya ka na ba in public? na tipong sinauli sayo ang singsing na bigay mo pati regalo mo para sa anniversary nyo?

- Naranasan mo na ba na iwan ka sa isang mall? at hinabol mo sya, ikaw pa nagsorry dahil may nagawa/nasabi ka na "maliit" na bagay na di nya nagustuhan?

- Naranasan mo na ba na nag-iloveyou ka sa kanya at "ok" lang sinagot nya?

- Naranasan mo na ba ipagduldulan ka sa ex mo kahit alam nyo namang pareho na totally wala ka na connection sa ex mo at hindi mo na mahal ang ex mo?

- Naranasan mo na bang magsorry kahit alam na alam mo sa sarili mo na sya naman yung dahilan at may kasalanan kung bakit kayo nagtalo o nagaway? at kelangan mo lunukin ang pride mo dahil mahal na mahal mo sya at di mo matiis na magkaaway kayo?

- Naranasan mo na bang magsorry sayo ang taong mahal mo na parang "wala lang" yung nangyari at nagsorry nga, pero parang sya pa yung galit?

- Naranasan mo na bang magalit sa kanya tapos nagalit din sya dahil nagalit ka sa kanya and in the end ikaw pa nagsorry sa kanya kahit from the first place e sya may kasalanan?

Kung OO ang sagot sa lahat ng mga tanong at kayo pa ng GF/BF mo..

CONGRATULATIONS.... Mahal na mahal mo sya.. in short.. MARTYR :D